Wednesday, November 9, 2016

"Mensahe ng Butil ng Kape"

Buod
                     Sa pagsasaka ng mag-ama narinig nitong nagmamaktol ang kanyang anak na lalaki. Narinig niya ang mga hinaing ng anak sa hirap at pagod maging ang hindi makatarungang buhay na meron ito. Tinawag ng ama ang anak at nagtungo sa kusina. 
  
                     Kumuha ang ama ng palaytok, nilagyan ng tubig at inilagay sa apoy. Kumulo ito, nilagyan ang bawat isa ng carrot, itlog at butil ng kape. Tinanong ng ama ang anak kung ano ang mangyayari roon at sumagot ang anak, maluluto.


                     Matapos ipadama, ipahati at ipahigop ang carrot, itlog at butil ng kape ipinaliwanag ng ama ang nais niyang ikintal sa isipan ng anak. Sinabi ng ama na ang kumukulong tubig ay mga suliranin sa buhay at sa paanong paraan ng kanyang anak ito haharapin.
                  
                     Sya ba ay magiging carrot na matigas at matatag ngunit pagdating ng sigalot ay lumbot na kumakatawan sa kahinaan. Itlog na mayroong malinis at mabuting puso ngunit nakaroon lamang ng suliranin sa pagitan ng grupo ay naging matigas ang kalooban at hirap magpatawad. O butil ng kape na kahit daan ng problema, suliranin at sigalot ay siya pang nagpabago, nagpatatag at gumagawa ng positibong bagay.

                     Muling binanggit ng ama ang tanong sa anak at sumagot ito ng masigasig at may ngiti na siya ay magiging butil ng kape na tulad ng kanyang ama.

           

No comments:

Post a Comment