"Ako at Ang Suliranin Ko"
Paano mo pinagbubukasan ang suliraninng kumakatok sa iyong pintuan?
Ang buhay ng tao ay punong-puno ng iba't ibang suliranin. Maaaring ito ay suliraning pang-sarili, pang-grupo o suliraning pang-lipunan. At sa bawat suliraning ito ay may kaakibat sa solusyon ngunit paano nga ba natin ito hinaharap. Ito ba ay sa pagiging carrot, itlog o butil ng kape.
Masasabi kong ang pagharap ko sa aking mga problema ay hindi perpekto. Minsa'y ang katangian ng pagiging carrot ay aking kinakatawanan. Malakas at matatag kung titingnan ako sa simula ngunit kapag nandiyan na ay nanlalambot o nararamdaman ang pagsuko. minsan pa'y pagdadalawang isip at kawalan ng lakas ng loob ang nangingibabaw.
Isang itlog din ang aking katangian sa pagharap ng sigalot sa aking buhay. Ang itlog na maputi, malinis tingnan at may mabuting kalooban ngunit kumakatawan sa katigasan ng puso sumasalamin sa akin at hindi ko itinatanggi. Tulad na lamang ng nangyari sa amin ng aking pinsan, nagkamali siya ng pagsasalita at ako ang lumabas na mali. Ang aking kalooban ay naging hirap humarap sa kanya noong mga oras na yaon. Pilit kung gustuhin na patawarin siya ngunit mismong ang aking pakiramdam ang nauunang tumalikod sa kanya. At ang aking katuwiran, magiging ok din kami balang araw.
Bagamat ako'y naging carrot at itlog sa pagharap ng problema, suliranin at sigalot, pipilitin at gagawin ko din namang maging butil ng kape na ako ang nagpapabago,nagpapatatag at gumagawa ng positibong bagay para sa akin at sa iba.Gagawin kong ako ang magbibigay kulay sa mga problema na mayroon ako maging ang aking grupo. Iiwasan ko na muling maging isang carrot at itlog sa aking buhay at pipilitin kong butil ng kape ang mangibabaw. Alam kong mahirap at mapusok ang aking ginagalawan pero hindi na muli ako magdadalawang isip at tatalikod sa mga problema na kakatok sa aking pintuan.